<!-- BEGIN bunnyhero labs pet code -->
<a href="http://bunnyherolabs.com/adopt/showpet.php?b=bWM9ZG9nLnN3ZiZjbHI9MHg3YWU2ZmYmY249bWFkdSZhbj1tYWNo"><img src="http://petimage.bunnyherolabs.com/adopt/petimage/bWM9ZG9nLnN3ZiZjbHI9MHg3YWU2ZmYmY249bWFkdSZhbj1tYWNo.png" width="250" height="300" border="0" alt="my pet!"></a>
<!-- END bunnyhero labs pet code -->
Posted by journeyoferos on November 18, 2005 at 07:16 AM in anignatup |

Napanood ko na sana ang uncut version ng pelikulang ito sa UP Film Institute noong September 27 kung hindi lang ako pinigilan ng kaklase kong may bertdey nung araw na 'yon. Balewala ang panghihinayang nang tumambad sa aming harapan ang masaganang pagkain pero muli iyong nanumbalik nang mapanood ko ang last full show sa Star Malls. Pinili kong manood doon dahil medyo mura ang tiket kumpara sa ibang sinehan.

Mataas ang ekspetasyon ko para sa pelikula dahil ilang beses ko nang nababasa sa email, balita at usap-usapan na nagkamit ito ng madaming awards at naisali sa iba't-ibang festivals abroad. Kasabay ng excitement ay dala-dala ko rin ang ilang biases na nabasa kong reviews na kesyo parang "Macho Dancer."

Simple lang naman ng banghay ng pelikula. Nagtatrabaho sa isang massage parlor si Illiac (Coco Martin) upang ipagamot ang tatay na may sakit na nasa Olongapo. Pero nauwi sa wala ang pagsisikap niya dahil namatay ang tatay niya.

Habang minamasahe ni Illiac ang kustomer na si Marina (Allan Paule), ipinapakita naman ang kaganapan sa burol ng tatay niya sa Olongapo.

Posted by journeyoferos on October 21, 2005 at 07:18 AM in anignatup |

Whoa!

Almodovar, you are a film genius!

Hindi cliche. Excellent actors. Superb plot. Really deserves a fireworks display.

"Mar Adentro" is a film that should not be missed. Too bad, the Spanish film festival had ended yesterday, October 16. My friend and I were able to watch the special screening of this film that won the audience choice award.

Ramon, the protagonist is a very lovable admiring character. His personal decision to kill himself or to die with dignity elicited controversy in town. The church and the State oppose him.

Julia, Ramon's lawyer shares half of the drama. Like Ramon, although nobody knows, she wants to end her life too. But unlike Ramon, her wish to die is caused by the emotional turmoil she has with regard to her health condition.

Rosa, after watching Ramon's interview on the television, is provoked to see the quadriplegic man and decides to visit Ramon.

Javier, Ramon's nephew, supports his uncle's decision.

Manuela, Ramon's sister-in-law, serves as the personal attending nurse. She is raged by the priest comment that Ramon should not feel bad about his family's treatment towards him. Face to face, she bluntly tells the priest that he should shut his big mouth shut.

Posted by journeyoferos on October 17, 2005 at 03:05 AM in anignatup |

Sa ngayon, iisang babae pa lang ang kilala kong ayaw mag-asawa. Hindi ko na siya tinanong kung bakit. Isa siyang peminista. Ang tanong ko, ayaw mong magka-anak? Siyempre, gusto, aniya. Pa'no?

Problema ba yun? Eh di makikipagsex sa lalaki. Madali lang yun. Okay. Kung yun ang gusto niya bakit hindi. At kung ayaw niyang mag-asawa bakit kailangang usisain ang dahilan. Dahil ba abnormal ang babaeng walang asawa? O dapat kaawaan sapagkat walang magaalaga sa kanya pagtanda?

Ang hindi pag-aasawa ay hindi nangangahulugan ng inkapasidad sa pagbuo ng pamilya. Ang silbi ng tao ay hindi nasusukat sa kakanyahan nitong makabuo ng pamilya.

Paulit-ulit nang ginagamit ang kasabihang "Ang pag-aasawa ay hindi kanin na puwedeng iluwa kapag napaso." Gasgas na. "It's like locking yourself in a room and throwing the keys away."

Ako, wala rin akong balak mag-asawa. Gusto ko lang din magkaanak. Pano? Siguro, hahanap ako ng babaeng puwedeng magkaloob ng anak sa 'kin. Pagkatapos niyang ipanganak ang sanggol na binuo namin, hindi na kami magkakaroon ng ugnayan sa isa't-isa. O kaya, mag-aampon ako.

Marahil hindi lang ako at ang kilala kong peminista ang walang balak na mag-asawa. Kung ano man ang dahilan nila, walang nakakaalam.

Maaaring isa sa mga dahilang ito ay ang takot na makipagtali sa relasyong ang kahahantungan ay hiwalayan.

Ang pelikulang "Te Doy Mis Ojos" (Take my Eyes) ay isang pelikulang tumatalakay sa isang dysfunctional relationship ng mag-asawa.

Isang battered wife si Pilar. Isang araw ay nagpasya siyang umalis sa tahanan nila kasama ang anak niya. Bitbit ang ilang importanteng gamit ay mabilis silang bumiyahe patungo sa kapatid niya. Nang makarating sa bahay ng kapatid at tinanong kung ano ang nagyari ay humagulgol siya sa balikat nito. "Ang tanga-tanga ko, ni hindi ako nakapagsuot ng sapatos."

Sa suhestiyon ng kapatid ay nagpasya si Pilar na hiwalayan ang asawa subalit hindi siya tinantanan ng kabiyak. Sa pamamagitan ng panunuyo nito't pagtitiyaga na magbabago na ito ay unti-unting nagtiwala si Pilar. Labag sa kalooban ng kapatid ay nagpasya siyang muling bumalik ... (to be continued)

Posted by journeyoferos on October 6, 2005 at 03:11 AM in anignatup |
 


 


“Sige Dani. Salamat.”

Ilang tao na ang nagbanggit niyon simula pa kahapon. At ang mga katagang iyon marahil ang hinihintay niya upang mabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi niya inakala na magiging tinik sa kanya ang pagtitipong di niya lubos na maisip kung bakit kailangang dumating sa punto na kinailangan niyang itaboy ang mga kaklase na kanyang inimbita, na inimbita ng iba upang dumalo at makisaya sa get together.

Pagkasarado ng tarangkahan sa labas ay umayos na ang kanyang pakiramdam. Sa wakas, makakatulog na rin siya. Narinig niya ang usapan ng papalayong mga kaibigan.

Hirap pala ng host, naisip niya. Pero sa isang banda ay masaya siya dahil kahit papaano’y hindi naging malungkot ang pasko niya. Hindi rin naman niya masabing ‘da best’ ang pagdiriwang ng pasko niya sa taong ito. Puwede pa niyang ituring na unforgettable. Sino ba naman ang makakalimot sa letseng suka na kanyang pinunasan. Katakot-takot na pakiusap ang kanyang ginawa kay Calzado na huwag, kung maaari, na dapat talaga, huwag itong sumuka sa sahig – lalo na sa banig. Pero ang pucha, di napigil ang pagsama ng tiyan. Hayu’t bumulwak ang nakadidiring likido na amoy nissin wafer.

“Dani, sorry. Pasensya na.” Sa pagitan ng pagbuga ng nasa tiyan ay nagawa pa nitong humingi ng tawad sa kanya.

“Putang-ina. Sabi ng huwag sumuka sa sahig,” ang tangi niyang nasabi habang pahirap na itinayo at dalhin sa banyo ang lantang lasing na patuloy pa rin sa pahiwatig ng pagsuka. Hindi niya pinansin ang tatlong kasamahan na kagaya niya ay napatda din sa komosyon. Pero napansin niya na walang ibig tumulong sa kanya sa pagdala kay Calzado sa banyo. Hindi rin naman niya masisisi si Ryan na mula sa pagkakaidlip ay tumayo, umupo, tumayo, inilayo ang sapatos na muntik nang masukahan, umupo ulit. Baka sa halip na makatulong ay madadagdagan pa ang suka sa sahig. Gayong di naman uminom ay bakit tila nasusuka rin. Ni wala ngang nakapagpilit sa kanya na uminom, kahit lasahan man lang ang red horse. Wala siyang balak na pilitin ito kagaya ng kawalan niya ng planong pakiusapan ito na linisin ang eryang pinagsukahan ng taong itinuturing siyang best friend.

“Yung ilaw pakibuksan. Please!” Sa puntong iyon ay saka na lamang may sumunod sa kanya. Si Kyre, na ngingisi-ngisi’t tila ikinatutuwa’t ikinahihiya ang kaganapan. Kung puwede lang niyang sabihin dito, “Putang-ina, ‘kaw ang may kasalanan nito. Pinilit-pilit mo ‘yong tao na uminom ta’s ngayong nagsusuka na, wala ka nang pakialam”. Pero siyempre, di niya masabi-sabi ‘yon. Kahit ngayon lang, pinilit niyang huwag sabihin ‘yon.

“Palinisin mo sa kanya ang kinalat niya,” ang wika nito habang patuloy sa paghithit at pagbuga ng sigarilyo. Teka nga pala, ba’t naninigarilyo na itong Kyre na ‘to? Di ba niya naisip na magkakaroon siya ng halitosis dahil sa nikotina o anuman ‘yong kemikal na sanhi niyon? Hindi naman nakapagtataka na nagbabago ang tao. Ang nakakapanibago ay ‘yong katotohanan na si Kyre ay vain. Vain! Vain. Kaya’t pa’no nito natatanggap na nawawalan siya ng pogi points sa ginagawa niya. Kunsabagay, naniniwala siguro siya na bonus point ang paninigarilyo dahil nakakadagdag ito sa kanyang macho image. Damn. Talk about chauvinistic pigs.

At si Arnold? Hayun, ngingisi-ngisi din sa isang tabi. Well, ano pa nga ba ang nakapapanibago sa lalaking ito? Ganoon naman talaga ito noon pa man. Tatahi-tahimik. Yung klase ng pananahimik na may paka-mysterious. Yung katahimikan na di mo batid ang kahulugan. ‘Ika nga nila, ang tahimik na tao nasa loob ang kulo. Pero sa kaso ng taong ito, di niya alam kung ano ang kulo nito. Ang nakapagtataka nga lang siguro ay kung paano ito nanligaw sa gf niya ngayon. Di kaya umurong ang dila nito nang magtapat ng kanyang damdamin sa minamahal? Hmm, hindi siguro sa lahat ng oras ay ganun siya. Huling tanong, pa’no kaya nagwo-work ang relasyon ng dalawang taong halos magkapareho ng ugali – si Cris na sa simula’t-sapul ay alam mo ng mabait at tahimik at siya – si Arnold na kilala sa pagiging tahimik at mabait?

“O ano OK ka na diyan?” tanong niya sa nakapinid na pinto ng banyo. Walang sumagot. “O please give me a break!” Oo nga pala, tila wala na siyang pahinga simula pa kaninang alas-diyes kung saan ay panay na ang text niya sa mga kaklaseng walang patid ang tanong kung saan ang lokasyon ng bahay niya, kung ano ang sasakyan upang makarating doon habang sakay siya ng tricycle patungong Philcoa upang tagpuin ang naunang bisita na pinangakuan niya na sasamahang manood ng isang pelikula sa MMFF sa SM North. Alas diyes ang usapan pero alas-diyes y media na nang marating niya ang McDo. Hindi naman siya ganoon ka-OC sa oras pero ngayon practicality lang sigurong maituturing kung sumusunod siya sa patakaran ng time schedule.

Naghihintay ang loko. Nakasuot na naman ng puting t-shirt. Na naman.  Wala namang masama kung magsuot lagi ng puti ang isang tao. Ang odd lang para sa kanya ay kung bakit mas gusto nitong magsuot ng damit na maliit sa kanya. Maliit na nga siya, maliit din ang suot niya.

“Kumain ka na ba?”

“Di pa.”

“’Kain muna tayo.”

Hige. Gayong di siya nagugutom ay kailangan niyang magpaunlak. Dahil ba bisita niya ito? Dahil ba baka ililibre siya nito dahil ito ang nagyaya? Well, di naman siya nagkamali ng inisip nang ibigay niya ang bayad.

“Huwag na. Ako na lang.”

Ok. Ayos sa kanya. Kahit papano’y makakatipid siya.

“Sayang. Nagdala sana ako ng ilang handa namin sa bahay.”

Di niya ito tinugon pero sa loob-loob niya’y, “Bakit di mo ginawa, tanga, eh yun naman talaga dapat ang usapan di ba?” Na bawat isa ay magdadala ng pagkain. Na dahil pasko, dapat may kainan. Pero nang makita niya ang paper bag ay tsaka niya naisip na may ambag na pala ito. VCD tapes. Sagot daw niya ang entertainment. Kaya lang, mai-entertain kaya ang mga kaklase nila na di niya sigurado kung ano ang film aesthetics ng mga ito? For sure, quality films ang dala ni Ryan na for sure ay di magugustuhan ng ilan o ng lahat marahil.

“Nasa Philcoa na daw sina Odette,” wika niya sa kasama.

“Text mo sila na dito tayo.”

Ganoon na nga. At pagkalipas ng ilang mintuo ay tumambad na sa kanilang harapan na nahaharangan ng salamin ang dalawang kaklase. Si Calzado. At si Odette.

Kumustahan. Mahabang kumustahan. Walang tigil na kumustahan habang kumakain sa inilibreng sundae ng bagong dating.

Mas marami pa ‘to mamaya, naisip niya. Hindi lang buhay nitong si Odette – na nagkuwento na sa St. Paul nag-aaral, na nakatira raw sa isang condo at malapit nang magkaroon ng kotse – ang kanyang maririnig. Mga buhay na ba’t kailangang i-relate sa kanya, sa lahat. Pero di naman siguro darating sa punto na halos lahat na sila ay magpapataasan ng ihi at magpapatigasan ng ari. Kagaya nitong si Calzado, halos ayaw magkuwento ng buhay niya sa kasalukuyan. Bukod sa nagtatrabaho daw siya ay wala na itong nais na sabihin tungkol sa kanyang sarili. Marahil ay kuntento na ito na makinig sa suwerte ng dating mga kaklase.

“Let’s go?” si Ryan.

Syet. Muntik na niyang makalimutan ang pangakong sasamahan niyang manood ng sine si Ryan. Syet! Gahol na sila sa oras dahil alas-onse y media na at ilang oras na lang ay magsisidatingan na ang iba. Syet! Buti na lang at nauto niya ito na bukas na lang manood at sasamahan niya. Na ninais niya na sana’y makalimutan dahil syet wala na siyang pera.

“Ako na lang magbabayad,” si Odette. Nang bumaba sila sa traysikel. Sana simula na ‘to, usal niya sa sarili. Simula nga ba ng alin? Ng pagbuhos ng grasya? Ng kalbaryo? Pero lintek na hinayupak, ang tagal magsimula ng pagtitipon. Nakapanood na si Odette ng pelikulang pinagtalunan nila ni Ryan kung dapat bang panoorin. Na dahil ayon sa huli ay mushy at sloppy na sinegundahan naman ng una na minsan lang siyang magpakamasa. Willing naman siyang magparaya. Willing siyang sumunod o makiayon sa gusto ng isa o ng lahat. Kagaya ng pagsabay niya sa tawa ni Odette na may kasamang kilig dahil nakaka-inlove daw ang eksenang nagtatapat ng pag-ibig si John Lloyd kay Bea. Na hiniritan naman ni Ryan na cliché daw. Natapos din ang pagtatalo-panonood nang magsimula silang mag-usap at magbalik tanaw sa mga naging buhay buhay nila noong hayskul. Tulad ng inaasahan, bumuhos ang sama ng loob, ang panghihinayang kasama na rin ang magagandang alaala. Kung kaya’t ang Adaptation ni Nicholas Cage ay nilangaw dahil mas interesanteng pakinggan at mag-usap ng mga bagay na naging bahagi ng bawat isa. Kahit nakakapukaw ng lungkot o nostalgia.

“Gutom na ‘ko,” reklamo niya. Alas dos na. Wala pa rin sila.

“Hello Dani. Hello… Saan yung sakayan ng UP Ikot? Over the phone. Siyempre off-scene ang tumatawag na sina Macri at Analisa.

In higher, irritated voice – “Basta sakay kayo ng UP Ikot. Tapos!” Siyempre di niya binabaan ng telepono. Sinigawan lang niya. Hindi pa naman kasi nauubos ang pasensya niya. Hindi dapat maubos. Marami pang kasunod.

“Sunduin natin sila sa kanto”. Ok. Lakad. Hintay. May pumarang dyip. Hindi sa tapat nila. Doon, doon sa di kalayuan pa huminto gayong alam niyang nakita siya ni Analisa dahil nakita niya ito sa loob ng tumatakbong dyip. Kumustahan ulit. Walang tigil na kumustahan hanggang sa marating nila ang bahay. Hanggang sa natapos silang kumain. Hanggang sa mapagdesisyunan nilang manood ng Y Tu Mama Tambien. Na siyempre ni-recommend ni Ryan na kesyo dahil favorite film niya ay dapat nilang mapanood, na dapat hindi mapanood ng mga pamangkin nina Macri at Analisa. Kailangan na naman niyang magparaya kahit di siya pabor na maganda ang pelikulang wala siyang ibang nakita kundi sex at panay sex na siyempre di paawat itong si Ryan na sinagot ang tanong ni Calzado kung ano ba ang nakukuha sa pelikulang puro sex.

“Ba’t di mo tingnan yung pelikula on a different perspective with a deeper analysis? Hindi lang yan tungkol sa libog. Tingnan mo kaya ang sarili mo sa pelikula nang makita mo kung di ka kagaya ng pangunahing tauhan na walang ibang inisip kundi ang kumantot at hindi pinansin ang kahirapa’t kaguluhan na nadadaanan nila along the way.”

“Wow, malalim na pala itong si Ryan,” si Odette na umayon ng todo dahil nagustuhan din daw niya ang pelikula na walang ibang eksplinasyon bukod sa gusto niya ito. Dahil something new daw. Come on.

At para sa kanya. Kay Dani. Hindi na new kung mag-aalas kuwatro na nang dumating sina Cris at Arnold. Hindi rin new kung umiral na naman ang pagiging childish ng iba na nagtago’t pinagtaguan ang dalawang bagong dating. As usual. As always, kumustahan na naman.

“Sino pa’ng wala?”

Importante pa ba ‘yun? Dapat bang makumpleto ang lahat bago maituring na kumpleto ang pagdiriwang?

“Si Raymond, pupunta ba?”

“Hay naku, nangangatog daw ang tuhod ng bakla.”

“Sus, alibi lang niya yun. Ang totoo’y takot na bumiyahe dahil SM Megamall lang ang alam na puntahan”.

Tawanan. Halakhakan. Pinagtatawanan ang isang bagay na kahinaan ng isa. Kagaya ng pagtawa ni Ryan kanina nang pinakausap niya kay Odette ang kaibigang si Danci sa telepono. Na wala namang masama kung interesado si Odette sa ka-board mate niya. Na masama kung si Raymond ang nagkakagusto dito.

“Magsasaing lang ako,” usal niya sa sarili. Kahit magpaalam pa siya’y tiyak na walang magvo-volunteer na tumulong. Talong ulit na niya itong pagsaing. Sinabi na niya kasing, hindi okey kung dito pa sa kanila magluluto dahil wala siyang kagamitan. Pero siyempre kailangan niyang magsakripisyo kahit napapagod na siya. Sige lang.

Sige lang. “Sunduin natin si Rovi-anne.”

Susundo na naman? Ilan pa ba ang dadating?

He-he-he. Ang tawa niya nang makita ang boyfriend ni Vi-anne. Di niya masabi rito na mas guwapo siya. “Sinabi nang huwag magka-bf ng mas pogi pa sa ‘kin.” He-he-he.

Hu-hu-hu. Dito raw sila matutulog. He-he-he. Uuwi raw ang iba.

“Ipagpaalam kita.” On the rescue pa rin siya kahit sa totoo’y nababahala siya na baka maabutan sila ng may-ari ng bahay dahil sa paalam niya’y di kasali ang salitang overnight. Bahala na.

Hindi naman naging kabaha-bahala ang sumunod na pangyayari. Nagpaalam na sina Macri at Analisa dahil di raw sila pinayagan na mag-overnight. Aalis raw kasi kinabuksan ang pamilya nila patungong Nueva Ecija. Tumawag si Raymond, na si Ryan na nakasagot ay di nakilala ang very manly voice gayundin ang mga sumunod na ibig kumausap sa nasa kabilang linya. Nag-initiate ng semi-intellectual na laro si Ryan na sa tatlong klase ay isa lang ang nahulaan niya. Nakakagago ang laro. Ang tawa marahil ni Ryan nang di niya mahulaan ang pattern ng una at panghuling mind-boggling game. Gago siya, depensa niya sa sarili, wala lang ako sa konsentrasyon ngayon.

Medyo nakababahala na nang humiram ng tee shirt si Ryan. Si Calzado. Si Arnold. Ng tsinelas si Odette. Hindi nakababahala nang simula siyang takutin, una ni Cris – na may nagpaparamdam daw sa banyo, pangalawa si Arnold – na tila may tumitingin raw sa kanya sa banyo, at pangatlo si Calzado – na natatakot daw siyang mag-CR. Ha-ha-ha. Di siya natatakot. Ha-ha-ha. Cliché na ang ganoong uri ng pananakot. Ang higit na nakababahala ay nang dumating si Kyre. Wala naman talagang problema kung sakali mang madagdagan ang tropa. Ang problema nga lang ay nang magyaya itong uminom at walang tigil sa paghithit ng sigarilyo.

Hindi lang naman siya ang nakaramdam ng repulsion kay Kyre. Well, di naman talaga si Kyre ang dine-despise niya kundi ang habit nito. Wala sanang bale ang paninigarilyo pero di niya ito bahay. Baka maamoy ng may-ari ang maiiwang usok o kaya’y may maiwang upos sa sahig. Ang repulsion ni Ryan ay kakaiba. Yung alam mong galit kay Kyre. Yung halata mong sa kilos ay hindi ibig na narito si Kyre.

“Yan, kumusta?”

“Ok lang.” Well, kahit sabihin pa ni Ryan na nag-acting workshop siya ay di pa rin kabilib-bilib ang pag-fake ng kanyang emosyon.

“May tampo ka sa ‘kin no?”

“Ha, bakit?” Yung pagmamaang-maangan ay di nakaligtas sa kanya. Ano nga ba’ng paki niya sa dalawang ito? Kung meron man silang hidwaan, sa kanila na lang yon. Huwag sana nilang ipakita ang sama ng loob nila sa isa’t-isa. Paiwas ang mga kilos ni Ryan na tila ayaw niyang lumapit sa kanya si Kyre.

“Galit ka pa rin ba?”

“Oo.”

Matapos na sana ito.

“Explain mo sa ‘kin kung bakit.”

“Di na kailangan. ‘Lam mo na kung bakit.”

Mushy. Mushy talaga. Ganoon marahil ang writer. Romantiko. Emosyonal.

Pero hindi mushy yung isinalang na VCD tape ni Ryan. I am Sam. Maganda yung pelikula. Gusto niyang panoorin nang buo pero inistorbo siya ni Kyre. Nagpapasama sa pagbili ng alak matapos na mangolekta ng kontribusyon. Sa expected, di siya tumanggi.

Sa pagitan ng panonood at pag-inom ay nakakasingit ang mga nakakatuwang kombersasyon. Sa pagkakataong iyon ay hindi na tungkol sa nakalipas kundi tungkol sa kasalukuyan. Tawa sila nang tawa nang sabihin ni Calzado na mukhang tomboy si Kyre kapag naka-side view. Ang hindi nakakatawa ay nang maubos na ang kanilang iniinom. Ang limang bote ay ibig pang dagdagan ng isa. Hige. Ayos lang. Isa lang naman eh.

“Dan, tulog na kami.” Si Cris.

Hige. Ok. Aayusin ko lang hihigaan niyo.

“Dan nood tayo Wicker Park”. Si Odette.

Hige. Ok. Isalang niyo ang tape.

“Dan sa’n kami matutulog?” Si Calzado.

Hindi na ok. Dahil di niya alam kung saan niya patutulugin ang apat na lalaki, ang mga demanding na bisitang ito.

“Puwede na’ng sa lapag. O sa bench.”

“Wala bang foam? O unan?”

“Dan patawag ha?” Si Kyre.

Please give me a break. Kanina pa’ng busy ‘yang putang-inang telepono na ‘yan. Tsaka, alas dos na. sino pa’ng tatawagan mo? Of course, di na naman niya sinabi yun verbally. Ulit.

Akala niya tapos na ang kalbaryo niya matapos niyang maayos ang higaan ng dalawang babae sa loob ng kuwarto niya, matapos na mailatag ang banig sa lapat at matapos na samahan si Kyre sa pagbili ng isang boteng red horse. Pero nang humingi ng plastic si Calzado habang nakadapa ito sa sahig ay nagsimula na siyang mabahala kahit pa na sinabi nito na “in case” lang naman daw.

“Uy Calzado, mahiya ka naman..” Si Kyre.

Nagsalita ang di nakakahiya. Kanina pa nakakaramdam ng uneasiness si Cris dahil ayaw niya ng amoy ng usok ng sigarilyo. Pero ang dyaskeng si Kyre ayaw paawat sa paghithit. Uubusin pa raw niya ang dalawang stick. Sayang daw kasi.

“Napaka-insensitive,” si Ryan na halata nang nabuburat kay Kyre. “Makakapanigarilyo ka naman ng walang ilaw di ba?” Kulang na lang na magmura ito. Gayong nakahiga na ang lahat ay nakaupo pa rin si Kyre, nagbubuga ng usok. Ayaw patayin ang ilaw.

At siya. Si Dani ay insensitive na sa pagsasaring ng dalawa. Insensitive na siya sa mga di-mapagbibigyang pakiusap. Nakapagtataka dahil insensitive na rin siya sa suka ni Calzado na matiyaga niyang nilinis.

Di siguro tama ang sinabi ng isa niyang kaibigan na wala na siyang pakiramdam. Na ninakawan na siya ng pakiramdam. Dahil tang-ina, ano ‘tong nararamdaman niya? Concerned siya sa mga taong ito. Concerned siya sa sarili niya sa maaaring mangyari kapag di niya ginising ang mga ito bukas ng umaga at madatnan sila ng may-ari ng bahay. Lagot siya.

Putang-ina, ako ba ‘to?

“Bye Dani. Happy New Year. Thank you.”

Tang-ina. Ba’t siya nakakaramdam ng fulfillment dahil nakapagsilbi siya sa kanila. Putang-ina, ba’t wala lang sa kanya kahit ubos na ang pera niya. Tang-ina, ba’t tila nalulungkot siya sa kanilang pag-alis? At putang-ina, ba’t umaasa siya na muling mangyayari ang ganitong uri ng pagkakatao’t pagtitipon.

Tao na siguro siya. Tao na siguro si Dani Joel Lorenzo.

Ini-lock niya ang pinto ng kuwarto at payapag natulog.






Para sa kaibigan kong si Dani na nadapa at muling bumabangon. Bilib kami sa ‘yo. Mabuhay ka!


Posted by journeyoferos on October 3, 2005 at 08:58 AM in anignatup |

the 'seven' survey

seven things that scare me

1. lightning

2. bitten by a rat. (i was bitten twice, i'm supposed to overcome this fear) 

3. witnessing a real tsunami. giants waves are about to crash me away. (i often have dreams about tsunami)

4. sleeping alone in my own bedroom in the province

5. nightmares

6. dying early

7. heights


seven things I Like most
1. watching Y Tu Mama Tambien and other art films
2. watching plays
3. writing plays and movie scripts at the top of the hill or in a boat in the middle of the lake 
4. travelling alone in a place I barely know
5. giving gifts to my friends and special someone
6. intellectual masturbation with colleagues and acquaintances
7. hipon and crabs

Seven Random Factos About Me
1. i can be a good comedian
2. i'm cynical about love
3. fan of Sharon Cuneta
4. enjoy reading erotic literature
5. i'm a very good swimmer!
6. i hate my father
7. i was almost adopted by a rich Mangyan couple

Seven Important Things in My Bedroom
1. two pillows
2. clock; cellphone
3. books of my favorite authors
4. crackers
5. lotion (hey cast away your malicious thoughts)
6. candles
7. vcd/dvd player

Seven Things I Plan to do Before I Die
1. write a play that would be staged in CCP by Tanghalang Pilipino
2. make my dream movie which will be directed, written and produced by myself
3. have a month-long vacation in Camiguin Island
4. spend the night at Mt. Pulog; make lovee under the tent
5. build my family a bungalow house with a swimming pool
6. have a one-on-one talk with Gael Garcia Bernal in Spanish
7. have myself a whimsical delight in a spa

Seven Things I can Do
1. I can swim very well
2. I can act
3. Can jump high
4. Fast runner
5. read steno
6. tell if a person is horny. lol
7. can eat all kinds of vegetables.

Seven Things I Can't Do
1. seduce somebody
2. resist the temptation of watching art films
3. take off my clad in front of people
4. do drugs
5. kill. damn!
6. make love to a girl unless we're married. what a conservative idea. c'mon!
7. commit suicide! 

Seven Things that Attract Me to the Opposite Sex
1. butt
2. white skin ala dove models
3. strong personality
4. adroit
5. liberated
6. kissable lips (mushy)
7. good kisser
Seven Things I say the Most
1. fuck!
2. tarantado
3. syet
4. tang-ina mo
5. astig
6. hayup
7. talaga lang ha

Seven Celebrity Crushes
1. donita rose
2. diana zubiri
3. natalie portman
4. sharon cuneta
5. cindy kurleto
Posted by journeyoferos on September 20, 2005 at 06:26 AM in anignatup |

Sino bang hindi nakakakilala kay Che Guevarra, popular icon ng revolution. Sa totoo lang, bukod sa mga t-shirt na nakikita kung suot ng kung sinuman (madalas ng mga kalalakihan na nagpi-feeling astig o rock star), hindi ako pamilyar kay Guevarra. Sa pagkakaalam ko, hindi ko man lamang siya nadaanan sa mga history books.

Pagkatapos na mapanood ang pelikulang "Motorcycle Diaries" sa Instituto Cervantes noong sabado, nagkaroon ako ng munting kaalaman kay Che Guevarra. Trivia: Isa siyang medical practitioner noong kabataan niya; kilala siya sa tawag na "Fuser" at meron siyang asthma.

True to its title, "Motorcycle Diaries" is about the journey of Dr. Ernesto Guevarra "Fuser" or "Che" and his friend, Dr. Alberto who's a chemist, from Argentina to Peru.

Medyo biased ako sa mga pelikulang base sa tunay na buhay, boring kasi ang halos lahat ng pelikulang napanood ko na may katulad na tema. Pero binago ng Motorcycle Diaries ang baluktot na paniniwalang ito.

Sa ikaapat na pagkakataon, pinahanga ako ni Gael Garcia Bernal sa kanyang galing sa pag-arte. Una kong nasilayan ang kanyang kahusayan sa Y Tu Mama Tambien, El Crimen Del Padre Amaro at Amores Perros. Sana mapanood ko dalawa pa niyang pelikula: The King at Mal Educacion. At sana'y hindi siya nakawin ng Hollywood. Huwag sana siyang matulad kay Penelope Cruz.

Simple lang naman ang banghay ng pelikula. Madaling masundan dahil linyar ang kuwento't may iisang goal: ang makapunta sa Peru sakay ng motorsiklo. Sa kanilang paglalakbay, nakakasumpong sila ng iba't-ibang aksidente, kabiguan at sorpresa na kung hindi katawatawa ay kaawaawa. Pero kailanman ay hindi naging trying hard na magpatawa o magpaiyak ang pelikula.

Kinikilabutan ako sa tuwing inaatake ng hika si Fuser. Ramdam na ramdam mo ang paghihirap niya na lalong binigyang buhay ng masuhay na aktor.

Hindi rin pumalya ang sidekick na si Alberto sa mga pagpapatawa nito.

Maraming mga memorableng eksena sa pelikula na tatatak sa isipan ng manonood:

1. Ang tuluyang pagkasira ng kanilang motorsiklo na ilang beses ding sumemplang, na hindi na naremedyuhan ng mekaniko kaya't napilitan silang ipagbili, na habang sakay ito ng truck ay umiyak si Alberto.

2. Ang nakakatawang kumbersasyon ng magkaibigan sa magkapatid na Chilean, kung saan ipinamalas ng dalawa ang galing nila sa effective communication upang papaniwalain ang magkapatid na sila'y tunay na nangangailangan ng tulong.

3. Ang interaksyon nila sa katutubong Inca.

4. Ang sinserong pakikihalubilo ng dalawa sa mga pasyenteng may leprosy na sinegregate sa isang isla upang hindi makapanghawa ng mga normal na tao.

Kaipala'y ang pelikula ay hindi tungkol sa kabayanihan ni Che Guevarra bilang rebolusyonaryo kundi tungkol sa kabayanihan niya bilang tao't doktor.

Posted by journeyoferos on September 19, 2005 at 09:04 AM in anignatup |
eKsperim[E]nto Festival of Film, Video & New Media 2005
September 20 – 24, 2005  at Cine Adarna [formerly UP Film Center]
www.eksperimento.com

S C H E D U L E

one price policy - P50.00 ONLY each program!!!
tickets are available at the box office booth during the festival run


-=SEPT 20, 2005, TUE

2:00pm
PHILIPPINE STUDENT SELECTIONS PROGRAM: SOLUTE + SOLVENT = MIXTURE
[13 shorts / TRT 127min]

5:00pm
INTERNATIONAL PROGRAM 1: HUMAN LANDSCAPE
[11 shorts / TRT 71:08min]

7:30pm
OPENING FILM: PEACE ONE DAY by Jeremy Gilley [UK]
OPENING SHORTS: UZES QUINTET by Catherine Maximoff [France]
DOS PRIMOS MUY PRIMOS (Two Cousins Very Cousins) by Javier Batalla
[Spain]


-=SEPT 21, 2005, WED

2:00pm
INTERNATIONAL FILMMAKER SPOTLIGHT: MICHAEL BRYNNTRUP [Germany]
Program1: Experimental Short Films 1983-2005  89:00
-with-
INTERNATIONAL PROGRAM 2: LOVE, FEAR, SACRIFICE & DISPLACEMENT INC.
[7 shorts / TRT 62:68min]

5:00pm
FILIPINO FOCUS: SOUTHERN TAGALOG EXPOSURE

7:30pm
CENTERPIECE SELECTIONS PROGRAM 1: METAPSYCHOSIS
[10 shorts / TRT 104min] International Shorts


-=SEPT 22, 2005, THU

2:00pm
MINSAN PA by Jeffrey Jeturan [Philippines]
-with-
INTERNATIONAL PROGRAM 5: AQUALESCE
[9 shorts / TRT 61:02min]

5:00pm
INTERNATIONAL FILMMAKER SPOTLIGHT: MICHAEL BRYNNTRUP [Germany]
Program2: Death Dances  1986-1993  83:00

7:30pm
DISCOVERY FILMMAKER IN FOCUS: JERROLD TAYOG
-with-
CENTERPIECE SELECTIONS PROGRAM 2: EXPOSURE
[12 shorts / TRT 84:02min] International Shorts


-=SEPT 23, 2005, FRI

2:00pm
WAIT MEANS NEVER by Andrew Groves
[USA] 101:00min
-with-
INTERNATIONAL PROGRAM 3: POWER PARADOX
[10 shorts / TRT 70:52min]

5:00pm
INTERNATIONAL PROGRAM 4: OBIT
[7 shorts / TRT 80:31min]
-with-
SHAKES by Jonathan Ameli [USA] 32:00min

7:30pm
INTERNATIONAL FILMMAKER SPOTLIGHT: MICHAEL BRYNNTRUP [Germany]
E.C.G. EXPOSITUS (the broadcast and the artistic media) 101:00


-=SEPT 24, 2005, SAT

2:00pm
DIE STIMME (THE VOICE)by Cayetan Jacob [Austria] 70:00min
-with-
CENTERPIECE SELECTIONS PROGRAM 3: FABULOUS CREATURES
[10 shorts / TRT 113min] International Shorts

5:00pm
GAY LESBIAN BI & TRANSGENDER FOCUS: FILMS by JENNI OLSON

7:30pm
CLOSING FILM: MASAHISTA by Dante Mendoza [Philippines]

Posted by journeyoferos on September 15, 2005 at 12:51 AM in anignatup |
Cinema 6
SM Megamall
Free admission

October 7 (F)

7 PM Thunderstruck
9 PM Siam Sunset

October 8 (Sa)

7 PM Swimming Upstream
9 PM Birthday Boy (short)
     Ned Kelly

October 9 (Su)

7 PM Getting Square
9 PM We Have Decided Not to Die (short)
     My Mother Frank

October 10 (M)

7 PM The Sum of Us 
9 PM Mother Tongue (short)
     The Man Who Sued God

October 11 (Tu)

7 PM Siam Sunset
9 PM Ward 13 (short)
     Thunderstruck

October 12 (W)

7 PM Getting Square
9 PM Footnote (short)
     The Sum of Us
Posted by journeyoferos on September 15, 2005 at 12:41 AM in anignatup |
« Newer · »